BARAKO

BARAKO NG TONDO
BARAKO NG TONDO

Simula noong Liberation daw o pagkatapos-tapos ng Tiempo Japon naglabasan ang mga siga-siga. Barako ang tawag sa kanila.

Marahil, dahil sa walang matakbuhang matibay na pamahalaan, umasa ang mga taong bayan sa pangangalaga ng mga Barako. Kaya’t halos lahat ng mga malalaking bayan o lungsod noong arao ay pinamayanihan ng mga Barako.

Hindi nga ba’t ang Maynila ay hinati-hati ng mga sanggano o Barako. Protektado ni Nicasio “Asiong” Rodriguez Salonga ang Tondo.

Maaring may mga Barako ding namayagpag sa Sta. Ana, Paco, Pandacan, o Sampaloc noong mga panahong yaon.

Ano ang serbisyo ng Barakong may hawak sa isang lugar? Sapantaha ko’y ang madla noo’y dinadalahit ng takot. Karaniwan noong mga panahong yaon ang mapatay o makamatay dahil nagdarahop ang mga mamayan. Saan nga naman kukuha ng paninda sa palengke o ang ibabayad dito.

Ang Tondo ay malapit sa Pier o Pantalan. Ang commercio noon ay nakasentro sa mga Pier  na dinadaungan ng mga sasakyang pandagat. barko, yate, lancha, at mga parao ang nagkalat sa baybayin ng Maynila. Ang mga sasakyang ito ang nagdadala ng daloy ng pagkain sa kaMaynilaan kasama na ang mga materiales ng mga pang-gusali tulad ng troso, bakal, semento, graba, baldosa, at marmol. Guiba ng lungsod noon. Walang  masakyan katulad ngayon kundi ang mga nakatiwang-wang na mga Willys na iniwanan ng mga GI.

Naquiquiniquita ko ang haba ng pila ng kargador sa Arrastre. Kung sa kasalukuyan ay may mga Labor Only Contractors, noong arao ay ang mga Asiong Salonga ang mga recruiter ng Arrastre. Kada ulo, may komisyon ang Barako.

Hindi lang yaon ang delihencia ni Asiong. Nandiyan ang smuggling ng Blue Seal at mga stateside na mga produktong galing Amerika o Europa. Wala pang Made in China o Japan noong kapanahunang yaon. Wala pa ring mga casino. Kaya ang sakla o jueteng ay best seller. Piesta man o may patay, naruroon ang mga bataan ni Asiong Barako. Dahil may mga mahihina tulad ng mga matatanda, bata o kadalagahan, si Asiong ang kanilang Protektor. Isipin mo nga naman kung saan kukuha ng ipamumudmod si Asiong kung walang Tong o Kotong? Isama pa natin ang Binondo at Divisoria kung saan may mga tindahan at bodega ang mga Intsik na walang resibo. Protektado din sila ni Asiong. Kaya may Protection Tax na ipinapatao ang sanggano sa kanyang mga parukyanong dayuhan.

Robin Hood ang papel ni Asiong. Marahil, ang Barakong ito’y palamura din. Paanu mo nga naman sisindaquin ang dapat mong sindaquin? Maaring ang kanyang kapangyarihan ay sinusubukan ng ibang Barako o ng City Hall o ng Hepe ng Manila Police. Subalit sa guitna ng kaguluhan at kaguluhimihan, si Asiong ang nagbigay ng pag-asa, katahimikan, at hanap-buhay sa daang libong mga taga Tondo na lumikas ng pinupulbos ng mga Amerikano ang Manila Open City. Hindi ba’t napakaraming minasaker sa Malate at Ermita? Ang mga taga Tondo nama’y maaring kinakandili ng mga katulad ni Asiong na nagpaquita ng angking katapangan noong ang karuwagan at kamataya’y namamayani. Timing si Asiong matapos ang Guerra Mondial.

Ganun lumalabas ang lider. Sa guitna ng kalumbaya’y may caballerong humahaguibis. Dahil karamiha’y naglalakad, ang paghaguibis ng isang Barako’y numanakaw ng pansin ng mga desperado.

Ano nga ba ang Barako?

Ang salitang ito ay patungkol sa Kastador o yaong lalaquing baboy na inilalako noong arao dahil pinapayagan ng pamahalaan na mag-alaga ng hayop sa likod o harap man ng bahay  bilang pangdagdag sa quita. Uso noon ang mangolekta ng kaning baboy o sagmao sa halip na itapon sa ilog o basurahan. Ipinagbawal na nga lamang ito dahil sa masansang na amoy. Dahil maraming mga nag-aalaga ng baboy, kailangang magkaroon ng biik.

Kaya nakakariton at inililibot ang Barakong Baboy na kakasta sa mga naghihintay na inahinin. Noo’y ang bayad kada kasta ay isang bulao o biik kapag nagbunga ang pagniniig.

Dahil malaqui at maskulado ang Barakong Baboy at maingay kapag siya’y nagpupunla, inihalintulad siya sa mga kagaya ni Asiong Salonga.

Barako ng Kasaysayan

BARAKONG MAGSAYSAY
BARAKONG MAGSAYSAY

Katulad din ni Col. Napoleon Valeriano ng Nenita Unit ng Philippine Constabulary na isang Barako. Sa isang 1947 Journal ni Colonel Edward Lansdale inilarawan niya ang istilo ni Valeriano at mga tauhan nito sa pagtuguis sa mga Hukbalahap:

“All this killing during a peace is getting rather sickening. Bondoc, the accused mayor . . . was captured by Major Napoleon Valeriano’s commando force of Philippine MPs. Valeriano is a friend of mine who heads a special headquarters intelligence team for MPC (PA) [Military Police Command (Philippine Army)]. These Filipinos run around Central Luzon with skull and crossbones flags flying from their jeeps and scout cars…. Cruelty and lust for murder are commonplace. Philippine Army MPs take but few prisoners.” They merely shoot their newly captured Huks, often in the back of the head. It is hard to prove sedition, the true crime, against these folks, so why waste time with legal proceedings. On the other hand, MPs live but a few agonized moments after the Huks capture them. Both MPs and Huks have told me they learned to kill during the Jap occupation. Another account, by a top army officer, describes the style of the Nenita or “skull squadron” in similar terms: “The special tactic of these squadrons was to cordon off areas; anyone they caught inside the cordon was considered an enemy…. When I was stationed in the Candaba area [in Pampanga], almost daily you could find bodies floating in the river, many of them victims of Valeriano’s Nenita Unit.”

Si Ramon Magsaysay ang amo ni Valeriano bilang Secretary of National Defense sa ilalim ng Panguluhan ni Elpidio Quirino. Ipinalulutang ng mga Amerikano na ang susugpo sa mga Komunistang Huk ay si Barakong Magsaysay. Kung Barako ang alipores, malamang Barako din ang kanyang amo. Tahimik lang na nakamasid si Magsaysay sa mga niratrat na mga Huk ni Valeriano. Pagal na ang mga Pilipino noon. Ibig na nilang mabuhay ng tahimik. Mga Hapones ang kaaway noong digmaan, bakit nga naman walang tigil ang pamumundok ng mga Huk? Landslide ang tagumpay ni Magsaysay.

BANJO LAUREL NG TANAUAN BATANGAS
BANJO LAUREL NG TANAUAN BATANGAS

Barako din si Banjo Laurel noong huling mga 1960. Inakusahan siyang pumatay sa kanyang kabiyak na ‘di umano’y may kasama sa isang Motel. Ganun din si Bingbong Crisologo na nakulong sa Bilibid dahil sa Arson. Nagkarumbeste si Chavit Singson ng hamunin siya ni Bingbong ng pamaril sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Namayagpag din sa pagkaBarako si Bongbong Marcos at Jackie Enrile noong Martial Law. Natural lang ang pagkabarako ng dalawang ito dahil sa dami ng mga bodyguard na galing sa Philippine Security Group. Anak ba naman ng Presidente at Minister of National Defense. Hindi nga naman lalaban itong dalawang ito ng matinong square.

Matapos maitaboy si Ferdinand Marcos, medio nawala sa alimpungat natin ang mga Barako. Nahalinhan ng mga mahihinhin tulad ni Ernie Maceda, Tony Villegas, at Sonny Osmena noong maguing Pangulo si Cory Aquino.

Kabarong Barako

bingbong-crisologo
STO DOMINGO OK CORRAL

Maraming mga nagsulputang mga Barako sa kasalukuyan tulad ni Chavit Singson na naguing mitsa sa pagpapatalsik kay Erap Estrada noong 2001. Nand’yan si Ed Hagedorn ng Palawan na humamon din ng pamaril ang nasirang Barako ng Batangas na si Arman Sanchez. Isama natin si Ping Lacson at Fred Lim, mga Barakong Pulis.

Rody Duterte: Ang Barako ng Davao

Phenomenal ang arangkada ni Mayor Duterte. Nagsimula sa urong-sulong. Kahimat Barako, bakit ‘ika ng marami’y Urong-Sulong. Lumabas na matibay na bagong Istratehiya. Novel approach, ‘ika ng mga handlers. Kinakagat ng Madlang Masa, lalo na ang mga kabataang nakapila ng higuit sa dalawang oras sa MRT samantalang 20% ang kaltas na withholding tax mula sa kanilang sueldo. Ang mga tricycle, jeepney, at taxi driver na nabiktima na ng holdap. Tindera sa Talipapa na umuwi ng madaling arao.

Timing ang bulusok ni Digong. Sabi ng mga Amerikano: “he caught the imagination of the people.” Subalit hindi na bago ito sa mga panahong nagdaan. Redux ang tawag ng mga Ingles dito. Lumalabas na si Rody ang Caballerong Humahaguibis sa guitna ng kawalang pag-asa. Si Rody ang Halimao ni Dr. PNoy Frankenstein. Nabuhay si Digong sa imahinasyon ng bayan dahil sa binabaeng pagkatay ni Pangulong Aquino sa suliraning pambansa.

Subalit ang nakapagtataka, ang mga Barakong binabanguit dito ay iwas kay Duterte. Sino ang sinusuportahan ni Chavit at Hagedorn? Hindi ba’t si VP Binay? Kay Mar Roxas naman si Fred Lim at Ping Lacson. Ang Barako ng Maynilang si Erap ay itinaas ang kamay ni Grace Poe.

Lumalabas, katulad ng mga magnanakaw, galit ang Barako sa kapwa Barako.

 

2 thoughts on “BARAKO

Leave a Reply