2020 Vision Quezon
1. Tax the power plants
Magmula pa noong 1998 kung kailan naitayo ang dalawang dambuhalang power plant: quezon power plant sa mauban at mirant (dating hopewell ) sa pagbilao. Ang kasalukuyang gobernador ay hindi nagtangka na singilin ng buwis o real property tax ang dalawang higanteng power plant. Kung ano ang daang milyong kadahilanan, ang kasalukuyang gobernador lang po ang nakaka-alam. Sa ngayon po umaabot na ng p6b ang utang ng 2 power plant na ito sa lalawigan. Ayon po sa local governmant code, ang mga lokal na kabuwisan ay dapat singilin ng gobernador. Sa loob ng 6 na taon, wala pong ginawa ang adminstrasyong enverga. Sa tutu-usin po dapat na magbayad ang mga power plant ng p500m taon-taon at ang buwis-utang nila ay may patong na 2% interest kada buwan. Tinulugan po ito ng gobernador. Ayon pa sa batas, kung sa loob ng 5 taon ay hindi nakolekta ang buwis-utang, ito ay maaring pumalso o mag-prescribed. Samakatuwid, talo po ang lalawigan. Sa nakaraang 6 na taon, sobrang perjuisyo ang idinulot sa bayan ng administrasyong enverga. Ang kakarampot na nasingil sa qpl noong december, 2002 ay ibinili ni enverga ng 30 sasakyan para sa mauban at pamahalaang lalawigan.
2. Generation of employment
Sa ngayon po, ang lalawigan ay may 30% unemployment rate. Samakatuwid, 300,000 po ang walang trabaho. Kung sakaling masisingil ang p6b buwis-utang at ang p500m taunang buwis (p1b mula sa qpl at mirant) magtatag po tayo ng 40,000 jobs a year or average of 1,000 jobs per municipality kada taon. Samakatuwid, liliit ang unemployment rate. Ano ang remedio ng lgu sa delinquente sa amillar? Subasta! Kailangan po ng political will na isubasta ang mga power plant na moroso.
3. Health campaign: free hospitalization and health care sa mga taga Quezon.
Gagawin po natin walang bayad ang pagpapagamot sa ating mga kababayan. Kung nagawa po ng makati city na walang bayad ang pagpapagamot, kaya pong gawin ng quezon. Initially, 100,000 heads of the family po ang isasapi sa philhealth hanggangg bawat isa sa quezon ay may sariling health card.sagot ng lalawigan ang registration fees. Sa ngayon, ang no. 1 killer po ng ating lalawigan ay cardio-vascular disease : sakit sa puso, stroke, alta presyon, etc. Atin pong i-aupdate ang kagamitan ng lahat ng district hospital sa lalawigan: aangkat po tayo ng catscan, magnetic resonance imaging machines , murang angiogram , etc. Kukuha po tayo ng mga dalubhasang cardiologist upang gumamot sa mga may sakit sa puso at ugat.
4. Highways-barangay roads
Itutuloy po natin ang naudlot na south luzon expressway mula calamba hanggang atimonan. Hindi na natin mapipigil ang pagdami ng sasakyan at pangangailangang transportasyon na sumusuporta sa ating ekonomiya. Dapat marating ng mga producto ng quezon ang mga kalunsuran at mga merkado nito. Barangay roads ang sagot dito.
5. Quezon provincial agricultural corporation
Uupa po ang lalawigan ng mga nakatiwangwang na libong hektaryang kalupaan sa bondoc peninsula. Atin pong sisimulan ang mechanized farming. Ang modelo po natin ay del monte phils. Tataniman ng ayon sa uri ng lupa: fruit trees, balinghoy, sweet camote, gulay, etc. Libong trabaho ang idudulot nito sa bondoc peninsula. Magtatayo din ng sangay sa lugar ng tayabas-lukban-sampalok-mauban.
6. Quezon provincial tourism board
Ang quezon ang bukod tanging lalawigang pinagpala sapagkat paligid tayo ng pacific ocean, china sea, tayabas bay, ragay gulf. Bundok banahaw, kailugang umiray-lagyong bayan, agos kaliwa-kanan, lawa sa tiaong at lalaguna sa lopez. Isla ng polillo, jomalig, panukulan-patnanungan at alabat. Itataguyod natin sa buong mundo ang turismo sa ating lalawigan! Bubuksan natin ang pacific coast: atimonan-mauban-real-marikina-manila. Kung mabubuksan ito, libong trabaho ang magagawa at uunlad ang ating eco-tourism. Pangangalagaan ang mga cultural and historical landmarks katulad ng Perez Sunken Garden , Leon Guinto Amphitheatre, Baluarte ng Gumaca, Tahanan ni Tomas Morato, Simbahan ng Unisan at Atimonan, etc.
7. Environment protection
Ang bundok banahaw at sierra madre ay kayamanang likas ng quezon. Patitibayin po natin ang mga permanent forest reserves. Itataguyod po natin ang mga fish sanctuary. Ang Quezon ay kanlungan ng isda, puno, at ibon!
8. Education at scholarship
Scholarship ang sagot sa kahirapan. Libreng edukasyon sa ating kalakhang mahihirap na mamamayan at ito ang kasagutan sa kahirapan. Kada taon, magpapadala tayo sa kolegio ng 1,000 nursing at caregiver students kada taon. Ang populasyon ng europa, u.s. , at hapon ay tumatanda na, kaya bukas ang pintuan nila sa health workers. Ihahanda ng quezon ang pangangailangang ito.
9. 24-Oras na Gobernador
Magtatalaga ng 24-Oras na Lupon Agad Talima na bubuohin ng lahat ng Pangulo ng Tanod sa buong lalawigan. Ang tanggapan ng Gobernador ay lalagyan ng round-th-clock communication system upang agad matugunan ang sakuna, calamidad, epedemia, at krimen sa lalawigan.
10. HOUSING
Pabahay. Magtatayo po tayo ng Quezon Provincial Housing Commission na magsasagawa ng masusing pag-aaral tungkol sa problema natin sa pabahay. Marami pong squatter families sa ating lalawigan na sumisidhi dahil sa kawalan ng trabaho.
11. INDUSTRIAL ZONES
Sa lawak po ng ating lalawigan, may lulugaran ang Industrial Zones. Paliligiran po sila ng mga housing resettlements at mga self-sustaining features ng isang komunidad tulad ng palengke, hospital, paaralan, recreational facilities, atbp .
Huling pangungusap
Nasayang po ang huling 6 na taon ng ipagkatiwala natin sa isang tao ang pagpapalakad ng ating lalawigan. Hindi pa huli ang lahat at ito ay maitutuwid natin. Ang lalawigan ay naghirap, nasira po ang ating pinagmamalaking cultural heritage tulad ng leon guinto amphitheatre at perez park sunken garden. Pinalitan po ito ng mga gusaling mala-mosoleo at taga-ipon ng alikabok at agiw. Alam ng bayan kung magkano ang kinita ng kasalukuyang gobernador sa mga gusaling ito. Ang akin pong mga binanggit sa itaas ang nararapat na pangunahing tuntunin ng isang mahirap na lalawigan. Subalit bulsa po ang unang pinunan ng mga nakaupo sa halip na kapakanan ng quezon.
- About Katataspulong
- Hukuman at Katarungan
- The Bohol and Quezon Tragedies
- One Quezon
- One Quezon
You also might be interested in these related articles:
Filed under: Articles on April 9th, 2004


Leave a Reply